(Apela ni Duterte sa APEC) PAGGAWA NG VACCINE ‘URGENT’

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagtutulungan sa mga lider sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) para sa pagpapaunlad, paggawa at distribusyon ng COVID-19 vaccines sa gitna ng patuloy na nararanasang pandemya sa buong mundo.

Sa kaniyang talumpati sa APEC informal leaders’ retreat, sinabi ng Pangulo na ito ay “urgent” lalo’t nagsusulputan ang mga variant ng COVID-19 na sinasabing mas nakakahawa.

Hinikayat din ng Pangulo ang APEC leaders na pigilan ang paglalagay ng barriers na makaaapekto sa malayang daloy ng mga bakuna at iba pang essential products.

Dapat din umanong patatagin ang pagtatakda ng presyo sa mga bakuna sa lebel na abot kaya ng mga developing countries.

Ipinanawagan din ng Punong Ehekutibo ang partisipasyon ng micro, small and medium enterprises sa digital economy ngayong mas lumalaganap ang online activities dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang isinagawang virtual summit ay ang kauna-unahang infromal meeting ng APEC leaders upang talakayin ang maraming usapin lalo na ang kinakaharap na pandemya.

Nangako naman ang mga lider ng Asia-Pacific trade group, kabilang sina U.S. President Joe Biden, Vladimir Putin ng Russia Xi Jinping ng China, na palalawakin ang paggawa at pamamahagi ng COVID-19 vaccines upang malabanan ang pandemya.

“The pandemic continues to have a devastating impact on our region’s people and economies,” pahayag ng APEC leaders sa joint statement na inilabas matapos ang virtual meeting na pinanguluhan ng New Zealand.

“We will only overcome this health emergency by accelerating equitable access to safe, effective, quality-assured, and affordable COVID-19 vaccines,” ayon pa sa mga ito.

5 thoughts on “(Apela ni Duterte sa APEC) PAGGAWA NG VACCINE ‘URGENT’”

  1. 398970 591822Hello! I could have sworn Ive been to this weblog before but following browsing through some with the post I realized it is new to me. Anyways, Im undoubtedly pleased I discovered it and Ill be book-marking and checking back regularly! 530540

Comments are closed.