APELA NI DUTERTE SA LANDLORDS, BANKS: MALILIIT NA NEGOSYO AYUDAHAN

PRES DUTERTE

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga land­ lord at bangko sa bansa na tu­ lungang makabangon ang maliliit na negosyo na hinambalos ng COVID­-19 pandemic.

Sa kanyang ika-5 State of the Nation Address kahapon, sinabi ni Duterte na dapat bumuo ang mga lessor ng katanggap-tanggap na kasunduan at huwag palayasin ang kanilang mga tenant dahil noong wala pang pandemya ay ang mga ito ang pinagkukunan nila ng kabuhayan.

“Commercial establishments are requested to give grace period to allow deferment of payments especially for MSMEs (micro, small, and medium enterprises] that they are forced to close during the quarantine period,” anang Pangulo.

Inatasan naman ni Duterte ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang mga bangko na nag-o-operate sa bansa na bigyan ang MSMEs ng regulatory relief at payagan ang loan payment extension nang walang penalties at charges.

Nauna rito ay iniutos ni Duterte ang pagpapalawig sa pagbabayad ng loans at upa ng mga negosyo at tenants habang umiiral ang community quarantine sa bansa noong mid-March, na nagpu­wersa sa maraming negos­yo na magsara.

Iniulat din ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit sa 3,000 establisimiyento sa buong bansa ang permanenteng nagsara o nagbawas ng empleyado dahil sa pandemya.

Comments are closed.