(Apela sa DA) PAG-IMPORT NG ISDA ‘WAG ITULOY

isda

HINIMOK ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) ang Department of Agriculture (DA) na bawiin ang certificate of necessity na inisyu nito para mag-import ng 60,000 metric tons ng isda.

Ayon sa NFARMC, walang dahilan para dagdagan ng DA ang lokal na suplay sa pamamagitan ng pag-import dahil ang bansa ay may off-stock volume na katumbas ng 45,651 metric tons. Sa naturang bilang, 22,613 metric tons pa umano  ang nasa cold storage.

Dadag pa ng ahensiya, ang panahon ng pangingisda sa Northern Palawan ay nagbukas na noong Enero 31, habang ang East Sulu Sea at kalapit na katubigan ay magbubukas isa Pebrero 28.

Iginiit pa ng NFARMC  na humigit-kumulang 1,856 rehistradong commercial fishing boat para sa maliliit na pelagic fish ang nag-aambag sa direktang trabaho ng may 120,000 katao.

Samantala, ang lokal na pangingisda ay nag-aambag umano ng P100 bilyon sa kabuuang pambansang produkto ng bansa. DWIZ 882