NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at Department of Labor and Employment (DOLE) na galugarin ang lahat ng maaaring mapagkukunan ng pondo apara makapagbigay ng pagkakakitaan o ayuda sa mga manggagawang apektado ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon sa senador, dapat pinaghandaan na ng gobyerno ang mga posibleng maging epekto ng ECQ sa mga manggagawa.
“Dapat nakalatag na ang tulong para sa mga mawawalan ng trabaho bago pa man inanunsiyo na ibabalik ulit ang paghihigpit ng protocol kasunod ng dumadaming kaso sa bansa ng mas nakakahawang Delta variant,” giit ng senador.
Sa pinakahuling unemployment survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang tumaas ang bilang ng mga nawalan ng trabaho. Mula sa 3.73 milyong apektadong manggagawa noong Mayo ay umakyat ito sa 3.76 milyon noong Hunyo.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, inaasahan na ang posibleng epekto ng ECQ sa mga trabahador kasunod ng naging karanasan na ng bansa noong nakaraang taon. Sa kasagsagan ng pagpapatupad ng ECQ noong Abril 2020, nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na unemployment rate na 17.7% o 7.3 milyong Pilipino.
Sa pagtataya ng DOLE, aabot sa 167,000 na mga manggagawa sa Metro Manila ang maaaring mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita sa pagpapairal ng ECQ. Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), aabot sa kalahating milyon ang maaaring mawalan ng trabaho.
Kung kinakailangan, iminungkahi ng Vice Chairperson ng Senate Economic Affairs Committee na idulog ng gobyerno sa Kongreso ang pagre-align ng mga hindi pa nagagamit na quick response funds upang makalikom ng sapat na pondo para gawing cash assistance sa mga manggagawang nawalan o mawawalan ng trabaho o pondohan ang short-term job programs katulad ng contact tracing o kahit na anong trabaho na may konsepto ng work-from-home.
“Sa pamamagitan nito, maisasalba na natin ang mga pamilyang maaapektuhan ng kawalan ng trabaho, matutulungan pa nating mapatakbo ang ekonomiya sa gitna ng mas mahigpit na mga panuntunan upang labanan ang COVID-19,” dagdag pa ng senador. VICKY CERVALES
691085 216189This internet site is often a walk-through like the info you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll certainly discover it. 112021
827585 766925Some truly marvelous function on behalf of the owner of this web internet site , dead excellent articles . 616241