HINIMOK ni Senadora Imee Marcos ang mga economic manager ng bansa na isubasta ang mga imported na baboy para makatiyak na lantad ang alokasyon sa mga negosyante sa oras na madesisyunan na ang pinal na dami ng minimum access volume (MAV) ng aangkating baboy.
Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, na makatutulong ang subasta sa imported na baboy para matanggal ang suspetsa na ang nakatakdang pagtaas ng MAV ay pabor sa mga negosyanteng gustong mag-samantala sa kapos na supply ng baboy sa mga palengke habang patuloy namang nagpapahirap sa local hog raisers ang African swine fever (ASF).
“Dagdag bantay ang pagsubasta sa mga imported na baboy na makasisira ng loob sa mga gustong magsamantala. Madadagdagan pa ang pondo ng gobyerno mula sa pag-isyu ng mga import permit,” giit ni Marcos.
Nagdesisyon na rin naman ang ehekutibo at lehislatibong sangay ng gobyerno na magkaroon ng kompromiso sa lebel ng MAV at taripa ng imported pork, pero inaasahang magiging matindi ang negosasyon matapos ang pagdinig ng Senate Committee of the Whole nitong nakaraang linggo.
“Ang totoo, nasa masaklap na sitwasyon tayo. Gabayan sana kami ng Espiritu Santo na makahanap ng mainam na solusyon!” ani Marcos, na naninindigang ang sobra-sobrang pag-aangkat ng karneng baboy ang unang kikitil sa mga lokal na magbababoy bago pa maresolba ang krisis sa ASF.
Tinukoy ni Marcos ang ‘malaking pagkakaiba’ sa kalkulasyon ng mga mambabatas at mga ahensiya ng gobyerno, habang isinusulong naman ng senadora na taasan lamang ang MAV mula sa ika-apat na buwan matapos bawasan ang taripa na hindi dapat bababa sa 10% at 20% para sa mga inangkat sa loob at labas ng MAV.
Dagdag ni Marcos, hanggang 150,000 MT lang ang dapat na idagdag sa MAV sa ika-apat hanggang ika-12 buwan, pagkatapos ay hanggang 204,000 MT lang na maximum ang dapat maabot pagkatapos ng isang taon. VICKY CERVALES
500777 489866conclusion that you are definitely right but a couple of call for to be 352200
94423 46567Oh my goodness! an wonderful write-up dude. Several thanks Even so My business is experiencing trouble with ur rss . Do not know why Struggle to sign up to it. Can there be everybody getting identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 23625
870425 887856Its great as your other articles : D, appreciate it for putting up. 778643
363712 219892Admiring the time and effort you put into your website and in depth data you offer. Its excellent to come across a blog every once in a although that isnt the same out of date rehashed material. Fantastic read! Ive saved your website and Im including your RSS feeds to my Google account. 411763
325775 981087I genuinely enjoy searching by way of on this internet website , it holds superb articles . 204524
584343 971737Its truly a cool and beneficial piece of data. Im glad which you shared this valuable information with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 527952