APELA SA GOBYERNO: GADGETS SA ONLINE CLASSES ‘WAG BUWISAN

Rep Precious Hipolito-Castelo-3

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa pamahalaan na alisin ang ipinapataw na buwis sa gadgets na gagamitin ng mga guro at estudyante online classes.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, ang computers, mobile phones, tablets at iba pang  communication devices na gagamitin sa blended learning ay hindi dapat buwisan para maging abot-kaya ang presyo ng mga ito.

“Removing taxes will considerably reduce the cost of these devices and gadgets, and make them affordable to poor learners and teachers,” sabi ng lady lawmaker.

Aniya, ang naturang mga produkto ay pinapatawan ng customs at tariff duties bukod pa sa 12% value added tax.

Noong Biyernes ay inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang pag-uurong sa pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021 sa Oktubre  5 mula sa Agosto 24 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na sa kabila ng pag-uurong sa pagbubukas ng klase ay wala pa ring face-to-face classes para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at school staff.

Comments are closed.