(Apela sa gobyerno) MID-YEAR BONUS NG GOV’T WORKERS IBIGAY NA

Mike Defensor

HINIMOK ni Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor ang pamahalaan na maagang ipamahagi ang mid-year bonus ng mahigit sa isang milyong state workers.

Ayon kay Defensor, base sa itinatakda ng Republic Act No. 11466, ang mga kawani ng gobyerno mula sa Punong Ehekutibo hanggang sa pinakamababang posisyon na clerk o janitor ay nararapat na tumanggap ng mid-year incentive, na katumbas ng isang buwang sahod ng mga ito, pagsapit ng Mayo 15 kada taon.

Dahil ang nasabing petsa ay tatapat sa araw ng Sabado ngayong taon, umapela ang mambabatas na i-advance na ang pagbibigay ng naturang cash bonus sa  Mayo 14, araw ng Biyernes.

“The early release of their incentive will be a big help to our more than one million workforce in the bureaucracy amid the pandemic, especially our healthcare and other frontliner workers,” giit ni Defensor.

Dagdag ng kongresista, dapat ay naipalbas  na rin ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang sangay ng gobyerno ang pondo para sa mid-year bonus na ito.

Binigyan-diin ni Defensor na sa ilalim ng batas, ang isang government personnel na nakapagtrabaho ng apat na buwan bago o sa mismong pagsapit ng May 15 ay dapat makatanggap ng naturang insentibo.

Samantala, dismayado naman ang kongresista na hindi magkakaroon ng mas malaking mid-year bonus ang hanay ng government nurses dahil sa Budget Circular No. 2020-4 ng DBM, na nagde-demote sa kanila ng isang ranggo.

Umaasa si Defensor na itatama ng DBM ang buwanang suweldo ng state nurses, partikular ang nasa posisyon ng Nurse II hanggang Nurse VII gaya ng ginawa sa Nurse 1, na alinsunod sa kautusan ng Supreme Court (SC), mula sa Salary Grade 11 o katumbas ng P21,000 monthly salary ay naging Salary Grade 15 ang entry-level pay o katumbas ng P33,575 na sahod kada buwan. ROMER R. BUTUYAN

One thought on “(Apela sa gobyerno) MID-YEAR BONUS NG GOV’T WORKERS IBIGAY NA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *