APELA SA GOBYERNO: MURANG NOCHE BUENA PRODUCTS

Senador JV Ejercito-4

UMAPELA kahapon si Senador JV Ejercito sa pamahalaan na sigu¬raduhin na mabibili sa abot kayang halaga ang pang-Noche Buena food products.

Ani Ejercito, malaking kaginhawaan para sa taumbayan ang pagsususpinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

“Kapag talagang natuloy ito, inaasahan natin na bababa rin ang presyo ng mga bilihin dahil nakita natin na nang tumaas ang excise tax sa fuel dahil sa TRAIN law, hindi na rin maampat ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na dahilan naman ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” anang senador.

Umaasa rin ang senador na titiyakin ng pamahalaan na hindi tataas ang presyo ng  mga pagkaing panghanda sa Noche Buena upang sumapat ang 13th month pay at iba pang Christmas incentives na matatanggap ng mga manggagawa sa darating na Kapaskuhan.

“Kahit spaghetti, hotdog, at tinapay lang ang pinagsasaluhan sa Noche Buena kung wala talagang panghanda, masaya na ang mga Filipino basta’t kasama ang buong pamilya,” dagdag pa ni Ejercito.

Inaasahan ng senador na gawing pamasko na lamang ng pamahalaan sa taumbayan ang hindi pagtaas ng presyo ng Christmas food items para magkasya ang kanilang bonus. VICKY CERVALES

Comments are closed.