NANAWAGAN si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa pamahalaan na huwag magpatupad ng lockdowns dahil nananatiling lig tas ang bansa sa kabila ng banta ng COVID-19 Omicron variant.
Ayon kay Concepcion, kumpara sa Amerika na nakararanas ng COVID-19 surge, ang mga Pilipino ay higit na disiplinado pagdating sa testing at iba pang protocols tulad ng pagsusuot ng face masks.
“We should never lock down. We are approaching it on a granular basis which is effective. I think everybody has subscribed to this model,” pahayag ni Concepcion sa ANC.
Aniya, ang target sa 2022 ay ang mapabilis ang booster shots “upang mapalakas ang panlaban sa COVID-19.”
Sinabi ni Octa Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco sa ANC na ang malawakang pagbabakuna sa mga pangunahing lugar ay nakatulong upang maprotektahan ang bansa mula sa Omicron.
“The number of cases could rise but it would be too early to tell if it’s due to the holidays or the new variant, he said. So far, there is no recorded community transmission of the new variant yet,”dagdag pa niya.
Ang Pilipinas ay umangat sa pinakabagong Bloomberg COVID-19 resiliency ranking, kung saan umakyat ito sa 50th spot mula sa 53 bansa.