(Apela sa gobyerno) SAHOD NG HEALTH WORKERS DOBLEHIN

IPINANAWAGAN  ni Alliance of Health Workers (AHW) President Robert Mendoza ang pag-doble sa suweldo ng mga healthcare worker na pangunahing nakikipaglaban sa pandemya.

Ayon kay Mendoza, tulad ng mga ipinatupad na benepisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at sundalo, karapatan ng mga health worker ang mataas na sahod dahil nasa peligro rin ang kanilang buhay.

Kahit aniya tawagin ni Pangulong Duterte na bagong bayani ang mga doktor, nurse at iba pang medical frontliner, hindi ito sapat kumpara sa kanilang sakripisyo ngayong may pandemya.

Iginiit ni Mendoza na dapat tapatan ng Pangulo at Department of Health ng pagkalinga at pangangalaga ang iniaalay na dugo’t pawis ng mga health worker sa pamamagitan ng umento sa sahod at dagdag benepisyo.

Maliban sa Special Risk Allowance, umaapela rin ang AHW sa gobyerno na ilabas na ang kanilang hazard pay, meals, accomodation at transportation allowances.

Samantala, nagbantang hindi titigil sa pag-poprotesta ang mga health worker hanggang sa matanggap ang kani-kanilang benepisyo.

Sinabi ni Jao Clumia, Presidente ng St. Luke’s Medical Center Employees Association, sa 3,000 health workers ng kanilang ospital, tanging 1,194 pa lamang ang nakatanggap ng kanilang Special Risk Allowance (SRA).

Bago nito, lumahok sa mass walk-out nitong Araw ng mga Bayani ang ilang health workers dahil pa rin sa delay na pagbabayad ng pamahalaan sa kanilang mga benepisyo gaya ng SRA, hazard pay, transportation allowance at iba pa.

Bagama’t tumutugon na ang gobyerno sa apela ng mga health worker, muling humingi ng pasensya ang pamunuan ng Department of Health (DOH) sa mga ito.

6 thoughts on “(Apela sa gobyerno) SAHOD NG HEALTH WORKERS DOBLEHIN”

  1. 391125 760661You may locate effective specific development of any L . a . Weight loss program and each and every youre incredibly critical. To begin with level is an natural misplacing during the too much weight. lose belly fat 560480

  2. 759042 184284Hey! Do you know if they make any plugins to assist with SEO? Im trying to get my blog to rank for some targeted keywords but Im not seeing extremely very good results. In the event you know of any please share. Thanks! 691789

Comments are closed.