(Apela sa gobyerno) TARIPA SA PORK IMPORTS IBALIK SA DATI

Kiko Pangilinan

N A N AWA G A N si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa pamahalaan na ibalik ang tariff rates sa orihinal na 20% hanggang 30% levels.

Ayon kay Pangilinan, tatlong buwan makaraang babaan ang taripa sa pork imports ay nananatili pa ring mataas ang presyo ng baboy at nagdurusa pa rin ang local hog raisers.

“The promise of lower pork prices has not been fulfilled. That’s why when Congress reopens, I will again raise my recommendation to raise tariffs on imported pork to original rates,” aniya.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), hanggang nitong Hulyo 9, ang presyo ng kada kilo ng kasim ay nasa P340, habang ang liempo ay P380.

Ani Pangilinan, bago manalasa ang African swine fever (ASF), ang kada kilo ng baboy ay nasa P240 lamang.

“Let’s support the local hog raisers and give them a fighting chance. With our current policy, only the importers are smiling while Filipino consumers continue to be on a pork diet because they could not afford the high prices,” anang senador.

Idinagdag pa ni Pangilinan na ang buwis na makokolekta mula sa imported pork ay maaaring magamit para matulungan ang mas maraming hog raisers na naapektuhan ng ASF. LIZA SORIANO

4 thoughts on “(Apela sa gobyerno) TARIPA SA PORK IMPORTS IBALIK SA DATI”

  1. 245420 453538You developed some decent points there. I looked more than the internet for your concern and discovered a lot of people will go along with together with your website. 713102

Leave a Reply

Your email address will not be published.