(Apela sa gobyerno) TAX CREDIT SA MIDDLE-INCOME EARNERS

Rep Niña Taduran

NANAWAGAN  si ACT-CIS party-list  Rep. Niña Taduran sa  gobyerno na magbigay ng tax credit para sa mga middle-income earner  na apektado rin ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Taduran, tiyak na maraming middle-income earners ang nahihirapan ang pamilya at nangangailangan din ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.

Tulad ng mga minimum wage earner  ay apektado rin, aniya, sila ng paghina ng ekonomiya at paghinto ng trabaho.

Apela ng kongresista sa pamahalaan, bigyan ang middle income earners ng  kahit man lang kabawasan sa buwis na katumbas ng halagang ipinamamahagi  sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Bagaman  malaking kabawasan ito sa kita ng pamahalaan, malaking bagay, aniya,  ang kabawasang P5,000 hanggang P8,000 sa buwis na maaaring magamit sa personal na pangangailangan at dagdag na tulong ito sa ekonomiya dahil tataas ang purchasing power ng middle class. CONDE BATAC

Comments are closed.