KASABAY sa paggunita sa Bonifacio Day kahapon, hiniling ng Kabataan party-list sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng maayos at sapat na trabaho o oportunidad, lalo na sa hanay ng mga bagong graduate at tinaguriang ‘young workers’.
Umapela rin si Kabataan Partyl-ist Rep. Raoul Manuel sa gobyerno na aksiyunan ang idinadaing ng taumbayan na patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at panawagan para magpatupad ng taas-sahod, gayundin ang pamamahagi ng ayuda o tulong pinansiyal, lalo na sa mga mahihirap na pamilya.
“Mahalaga na may oportunidad sa disenteng trabaho at sahod ang mga kabataan upang mahikayat silang ipaglingkod ang talento at husay nila sa pangangailangan at pag-unlad ng bayan. Panawagan natin sa Malacañang na maglabas ng Executive Order para sa umento sa sahod at i-certify bilang urgent ang mga katumbas na panukalang batas para rito,” pahayag pa ng Kabataan party-list lawmaker.
“Instead of rushing the revival of Mandatory ROTC which is set to impose heavier economic burden on workers’ families and eat away funds for economic aid, pagpokusan natin ang pagpasa ng mga batas na magsusulong ng kabuhayan at pagbangon ng bansa sa pandemya,” ayon pa kay Manuel.
Samantala, sinegundahan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro ang panawagan ng iba’t ibang sektor na sumama sa isinagawang kilos-protesta kaugnay sa 159th birth anniversary ni Bonifacio kahapon para magpatupad ng umento sa suweldo
“Today, we commemorate the life of a true national hero, Andres Bonifacio. His legacy remains an inspiration to the Filipino people to continue to fight for higher salaries and wages and for government to make concrete steps to lower prices of basic goods, and against the neoliberal policies in the country and to struggle for national democracy,” ani Castro.
“Our workers are demanding for government to set the minimum wage to P1,133 from the current P570 daily minimum wage to provide a family living wage. Government employees are demanding for the P33,000 monthly basic salaries. We in the Makabayan bloc echo these demands by filing House Bills that reflect the demands of our workers in the public and private sectors,” pagbibigay-diin pa ng kongresista.
ROMER R. BUTUYAN