APELA SA GOV’T: FUEL SUBSIDY SA PUV DRIVERS HABAAN

Piston chairman Mody Floranda

NANAWAGAN ang isang transportation group sa pamahalaan na palawigin ang 30-percent fuel subsidy nito ng mahigit sa tatlong buwan.

“Kami po ay handa kaming sumunod basta’t makabalik lamang po kami sa aming

hanapbuhay. Ang pakisaup namin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Department of Transportation at kay Pangulong Rodrigo  Duterte ay mas habaan pa ‘yung ayuda,” pahayag ni Piston chairman Modi Floranda.

Ang fuel subsidy ay hindi  pa  naaaprubahan ng Pangulo.

Nauna rito ay hiniling ng DOTr ang pagkakaloob ng aid  packages sa public utility vehicle drivers at operators na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, Jr., iminungkahi nila sa Kamara na isama ang mga driver at operator na apektado ng public transport protocols sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa economic stimulus package na inihahanda sa lower chamber.

“Ang DOTr ay nag-submit ng proposal sa House of Representatives na isama sa stimulus package  ng gobyerno ‘yung pag-aayuda sa ating mga operator at driver na maaapektuhan nitong limited capacity,” ani Tuazon.

“Kasama na po dun ‘yung fuel subsidy, ‘yung loans para sa kanila at deferment ng interest sa nag-avail ng loans,” dagdag pa niya.

Comments are closed.