(Apela sa IATF) COVID-19 VAX SA SEAFARERS DAGDAGAN

Sandro Gonzalez

PINADARAGDAGAN ng Marino Partylist ang alokasyon ng COVID-19 vaccines sa mga local government unit na may seafarer hubs.

Ang panawagan ay bunsod na rin ng desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-reclassify sa A1 mula sa A4 priority list ang mga outbound OFW, kasama ang mga seafarer.

Ayon kay Marino Partylist Rep. Sandro Gonzalez, lubos nilang ikinalulugod ang pagtugon ng IATF na isama sa prayoridad ang mga paalis na OFWs dahil naniniwala silang ang mga ito ay essential o mahalaga sa bansa at sa pagbangon ng ekonomiya.

Gayunman, malaking hamon ngayon ang availability ng COVID-19 vaccines sa mga lugar na may mataas na concentration ng seafarers dahil naroroon din ang mga hub at kanilang dormitories.

Naniniwala naman si Marino Partylist 2nd Rep. Macnell Lusotan na kapag naglaan ang Department of Health (DOH) ng dagdag na bakuna na para lamang sa mga seafarer ay makatutulong ito para maresolba ang isyu sa pamamahagi ng bakuna sa mga residente at mga migrant worker.

Umaasa naman si Gonzalez na sa pagsasaprayoridad ng pamahalaan sa mga outbound OFW ay maraming seafarers ang made-deploy ngayong taon.

“With this movement in their priority status, we are hopeful that more Filipino seafarers will be deployed this year. As of now, we will make use of the available vaccines that we have because our focus is to get them vaccinated immediately, but once the single-dose vaccines are available, we highly encourage the government to prioritize it for our seafarers,” ani Gonzalez. CONDE BATAC

One thought on “(Apela sa IATF) COVID-19 VAX SA SEAFARERS DAGDAGAN”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *