APELA SA LGUs: PORK BAN ALISIN NA

Pork Ban

NANAWAGAN ang mga pork producer sa lo- cal government units (LGUs) na alisin na ang pork ban dahil hirap na umano silang maibenta ang mga baboy dahil sa ilang mga lalawigan na nagsara ng borders.

Sa joint meeting ng House Committees on Agriculture and Food at Local Government, sinabi ni  Anna Lissa Uy ng Pork Producers Federation of the Philippines na labis nang naaapektuhan ang kabuhayan ng mga hog raiser dahil sa ipina-tutupad na pork ban.

“Now that the borders are being closed, medyo nahihirapan ang mga hog raiser na ibenta ang kanilang mga baboy. While other provinces that are not hog-producing, nagkakaroon sila ng pagkukulang sa baboy,” sabi ni Uy.

“We would like to request the governors to lift the ban passing through main hubs and selling [hubs],” dagdag pa niya.

Samantala, kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) sa Kamara na bumaba na ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Filipinas.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BPI) Director Ronnie Domingo,  nakatulong ang mainit na klima sa paghupa ng kaso ng ASF sa bansa.

Paliwanag niya, takot ang ASF sa dry season katulad sa Filipinas.

Nakatulong din, aniya, sa pagbaba ng kaso ng ASF ang pagi­ging mulat ng mga magbababoy at ng lokal na pamahalaan sa problema sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kani-kanilang control ­measures.   CONDE BATAC

Comments are closed.