NANAWAGAN si Senador Christopher ’Bong’ Go sa private at government banks, gayundin sa credit at lending facilities, na huwag magtataas ng interest rate sa mga consumer at commercial loan ngayong nahaharap ang bansa sa matinding krisis dahil sa COVID-19.
Sa halip, sinabi ni Go na gumawa na lamang ng flexible at convenient restructuring ng mga loan para mapagaan pa ang pasanin ng mga borrower sa mga susunod na araw.
Binigyang-diin ng senador na ngayong panahon ng national crisis, kailangang magsakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng nakararami.
Dagdag niya, ito ang panahon na dapat mas magtulungan ang gobyerno at pribadong sektor para malabanan ang COVID-19.
Nanindigan si Go na dapat pairalin ngayon ang bayanihan at malasakit para makabangon ang lahat mula sa krisis na dulot ng pandemic na ito. VICKY CERVALES
Comments are closed.