NANAWAGAN si Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa mga private sector employer na ipalabas ang 13th month pay ng mga manggagawa ng mas maaga sa December 25.
Ang panawagan ng kongresista ay kasunod ng pagbawi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa naunang suhestiyon na ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga maliliit na kompanya, at sa halip ay ibigay na ang bonus bago ang December 25 salig na rin sa labor law.
Ayon kay Castelo, makatutulong nang malaki sa mga manggagawa kung ibibigay ng mas maaga ng kanilang mga employer ang bonus, lalo na sa mga may problemang pinansyal ngayong may pandemya.
Kung maibibigay nang maaga ang 13th month pay ay maiiwasan ang pangungutang ng ilang mga manggagawa at makakapagplano rin ng mas maayos sa kanilang mga gastusin ang mga pamilya ngayong darating na Pasko.
Naniniwala rin ang mambabatas na pagpapakita ng malasakit sa mga manggagawa ang maaagang pagbibigay ng Christmas bonus. CONDE BATAC
Comments are closed.