NANAWAGAN ang Department of Agriculture (DA) sa mga Pinoy na gawing bahagi ang local fruits sa kanilang ihahain sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, makatutulong ito sa pagpapaunlad at commercialization ng local fruit industry at sa pagpapalaki ng kita ng mga magsasaka.
“Let’s promote and take pride in our local fruits. Let’s give the tradition a deeper meaning by nurturing our agricultural sector,” wika ni Dar.
Napag-alaman na maraming Pinoy ang pinipiling bumili ng imported apples, oranges at grapes upang ihain sa mesa para sa tradisyunal na media noche.
Ani Dar, ang local fruits tulad ng pakwan, lanzones, sineguelas, dalandan, papaya, rambutan, atis, bayabas, Perante, Satsuma at Vizcaya ponkan ay masusustansiya at mas mura kumpara sa mga imported na prutas.
“There are also local grapes from La Union, as well as citrus fruits from Central Luzon and Bukidnon,” aniya.
Para sa non-traditional consumers, sinabi ng DA chief na nariyan ang langka, pinya, mangga, macopa, durian, balimbing at dragon fruit na maaaring mabili sa mga magsasaka.
“Buying Pinoy fruits will indeed increase incomes of farmers and their families who are into fruit orchard production,” dagdag pa ni Dar.
Comments are closed.