(Apela sa PDIC) BANK DEPOSIT INSURANCE TAASAN

Luis Campos Jr

BUNSOD na rin ng patuloy na pagsipa ng inflation, umaasa ang isang kongresista na itataas ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang Maximum Insurance Coverage (MDIC) sa kada depositor sa susunod na mga buwan.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., vice lchairman ng House Committee on Appropriations at miyembro ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, maaaring umabot sa 50 percent o katumbas ng halagang P250,000 ng kasalukuyang maximum deposit insurance per depositor ang pagtaas na gagawin ng PDIC.

“I am counting on the state-run Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) “to raise the MDIC from the current amount of P500,000 to a higher sum of between P750,000 to P1 million per depositor per bank soon after the applicable bill is signed into law.” giit ng mambabatas.

Paliwanag ni Campos, una nang niratipikahan ng Senado at Kamara ang panukalang batas, na naghihintay na lamang ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagbibigay ng kapangyarihan sa PDIC governing board na itaas ang halaga ng MDIC base sa umiiral na inflation rate at pagkonsidera sa iba pang economic indicators kung kinakailangan.

“The PDIC has no choice but to increase the MDIC because spiraling inflation is eroding at a faster rate the value of depositor protection afforded by the prevailing P500,000 ceiling,” pagbibigay-diin ng Makati City lawmaker.

Nitong nakaraang buwan ng Abril, sumipa sa three-year high na 4.9 percent ang inflation rate ng bansa dala ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at isyu sa suplay ng pagkain kung saan sa pagtaya ng mga ekonomista, maaari pa itong pumalo sa 5.7 percent pagpasok ng Hunyo.

Sa kanyang House Bill 5812, unang iminungkahi ni Campos na doblehin o gawing P1 million ang nasa 13 taon nang P500,000 MDIC per depositor per bank. ROMER BUTUYAN