(Apela sa publiko) LOKAL NA BABOY, MANOK TANGKILIKIN

HINIHIKAYAT ng mga consumer group ang mga mamamayang Pilipino na tangkilikin ang mga lokal na produkto, kasama na ang mga karne ng baboy at manok gayundin ang mga isda.

Anila, ang pagtangkilik  sa sariling atin ay makatutulong sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at prodyuser na labis na naaapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Una nang tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na may sapat na pagkain, kasama na ang gulay at karneng baboy ngayong holiday season.

Ipinabatid naman ni Elias Jose Inciong, presidente ng United Broiler Association, na mas pinipili ng mga consumer sa bansa ang locally-produced chicken kumpara sa mga imported frozen chicken. DWIZ 882