(Apela sa supporters ni Quiboloy) UTOS NG KORTE IGALANG- PNP

HINILING ng Philippine National Police (PNP) sa mga supporter ni Pastor Apollo Quiboloy na igalang ang legal na proseso dahil sumusunod lang ang pulisya sa utos ng korte.

Ginawa ng PNP ang apela matapos tinangkang harangin ng mga kasapi ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang mga pulis na nagsilbi arrest warrant laban kay Quiboloy at lima pang indibidwal sa tatlong lokasyon na pinaniniwalaang madalas puntahan ng religious leader.

Tiniyak ng PNP na may koordinasyon sa local officials ang pagsisilbi ng warrant sa KOJC compound sa Buhangin District, sa Glory Mountain sa Barangay Tamayong at katabing Prayer Mountain.

Sa panig ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., nilinaw nito na maximum tolerance ang ipinatupad ng mga awtoridad sa pagsisilbi ng court orders.

Iginiit ng kalihim na ginagawa lang ng mga awtoridad ang tungkulin base sa utos ng korte kaugnay sa mga kaso na kinakaharap ni Quiboloy at ng limang iba pa. EC