HABANG patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na magkaroon ng mekanismo upang masiguro ang pagtupad ng testing laboratories sa pinababang presyo ng real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) o swab test.
“Napapanahon itong ganitong hakbang lalo na’t patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 dahil sa mas matinding Delta variant at kadalasan ay pami-pamilya na ang nagkakasakit. Kung naiimplementa nang tama at masigurong mas mababa ang presyo ng swab test, mas mahihikayat ang marami nating kababayan, bagay na makatutulong nang malaki sa COVID-19 response ng gobyerno,” ani Gatchalian.
Aniya, dapat higpitan ang pag-monitor sa ipinatutupad na bagong price cap upang maging abot-kaya ito sa mas nakararaming Pilipino na gipit sa pang-araw-araw na gastusin magmula nang magkaroon ng pandemya dulot ng COVID-19, lalo na sa mga hanay ng nawalan ng trabaho o nabawasan ang kita.
Mula sa dating P4,500 hanggang P5,000 na price cap sa mga pribadong laboratory, ang tamang singil, batay sa bagong kautusan ay dapat nasa P2,940 hanggang P3,360 na lamang. Para sa mga pampublikong testing center, ang dating P3,800 kada swab test ay nasa P2,450 hanggang P2,800 na lamang. Samantala, ang price cap para sa home service testing ay P1,000, bukod pa riyan ang mismong bayad sa swab test.
Ibinaba ng DOH noong Agosto 26 ang Circular No. 2021-0374 para sa mga bagong price cap na sinimulang ipatupad noong Lunes, Setyembre 6. Huling nagpatupad ng price cap ang gobyerno noong Nobyembre 25, 2020.
Sinabi ni Gatchalian na marapat lamang na magsagawa ang DOH at DTI ng regular o kahit na random check sa pagtupad sa singil sa laboratory tests para sa COVID-19 ng mga lisensiyadong laboratoryo at ang pagpapataw ng kaukulang parusa at multa sa mga lalabag sa nasabing kautusan.
Batay sa kautusan ng DOH, ang hindi pagtupad sa price cap ay maaaring magdulot ng suspensiyon ng lisensiya ng laboratoryong lumabag na aabot sa 15 araw sa unang beses na paglabag, 30 araw sa ikalawang beses na paglabag, at pagbawi ng lisensiya sa ikatlong beses na paglabag.
Papatawan din ng P20,000 na multa sa unang beses na paglabag at P30,000 naman sa ikalawang beses ang mga hindi sumusunod na laboratoryo.
“Sa panahon ng pandemya, nais natin na maiwasan ang pananamantala ng ilang indibidwal sa mga kababayan nating nangangailangan at nagkakasakit dulot ng COVID-19. Mainam na masawata ang mga maling gawaing ito lalo na’t kung makokompromiso ang kapakanan at kaligtasan ng publiko,” dagdag ni Gatchalian. VICKY CERVALES
883081 190392I used to be recommended this internet site by my cousin. Im no longer certain whether this put up is written by way of him as nobody else know such exact approximately my problem. You are amazing! Thank you! 71210
404826 425356If I should say something, then absolutely nothing will stop the chatter within 586876
185340 617390Right after examine a couple of with the weblog posts on your site now, and I in fact like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and shall be checking once again soon. Pls try my site online as effectively and let me know what you feel. 408324