TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Air Force (AFP) na nakahanda ang kanilang hanay para pangasiwaan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-take over na ng Phil Airforce ang pangangasiwa sa NAIA dahil sa rami ng reklamong kanyang natatanggap mula sa mga pasahero.
Ayon kay Major Aristedes Galang, tagapagsalita ng Phil Airforce, mayroong reserve force ang kanilang hanay para tutukan ang pangangasiwa sa NAIA.
Ang reserve force aniya nila ay nakalaan sa mga sitwasyong kakailanganin ang kanilang tulong.
Kaya hindi raw ito makaaapekto sa kanilang operasyon.
Pero sa ngayon wala pa aniyang partikular na direktiba ang Malacañang sa Phil Airforce kaugnay sa utos ng pangulo.
REA SARMIENTO
Comments are closed.