APLIKANTE NG PNP, AFP PINAG-IINGAT SA SCAMMER

ISABELA-NAGPALABAS ng babala ang pamunuan ng Regional Recruitment and Selection Unit Region-2, (RRSUR-R02) sa mga nagnanais pumasok bilang miyembro ng PNP at AFP lalo na sa mga magulang nang mga aplikante na maging mapagmat­yag at mang-ingat sa mga taong na nananamantala sa kasalukuyang PNP-AFP Recruitment.

Napag-alaman ng pamunuan ng RRSUR nasa halagang P1,500.00 ang siningil ng nasakoteng suspek na si Jobelyn Buncag na nagpakilalang Major Sharynyl Raffin ng PNP Special Action Force, na naka-assign sa Mindanao ang nakapagbiktima sa mga aplikante kapalit ng kanilang pagpasok sa PNP at AFP.

Ayon Col.Augusto Bayubay ng RRSU2, walang bayad ang pagpasok sa PNP at sa iba pang uniformed service.

Aniya, ang kasalukuyang nagaganap na recruitment ay naka base sa Merit and Fitness at Equal opportunity para sa lahat ng kuwalipikadong aplikante upang sila ay agad na matanggap.

Samantala, tiniyak pa ni Bayubay na hindi papayagan ng RRSU2 na mabahiran ng ireguralidad ang recruitment sa PRO2 lalo pa at mahigpit ang tagubilin ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na gawing malinis at patas ang pagpili ng mga aplikante sa pamamagitan ng QR Code System.

Kaya’t paalala ng RRSUR-R2 sa mga magulang ng mga palikante na huwag basta-basta magtiwala sa ibang tao lalo kung hindi kakilala at mas mainam na mag-apply online o sa lehitimong page ng AFP at PNP recruitment upang hindi mabiktima. IRENE GONZALES

23 thoughts on “APLIKANTE NG PNP, AFP PINAG-IINGAT SA SCAMMER”

  1. 460636 281326Hello DropshipDragon provides dropping for quality, affordable products direct from China to your customers. Perfect for eBay sellers and web site owners alike! 845030

Comments are closed.