INANUNSIYO ng Department of Trade & Industry na sinimulan na nila ang pagtanggap ng aplikasyon para sa retailers ng bigas at asukal na magkakaroon ng direct access mula mismo sa importers.
Una nang sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na ang price setting system ay kaugnay ng Administrative Order 13 ng Palasyo ng Malacañang kung saan inaatasan ang National Food Authority (NFA), Sugar Regulatory Administration (SRA), Department of Trade and Industry (DTI) na tanggalin ang administrative constraints at non-tariff barriers sa importasyon ng mga agricultural product. Layon nitong agapan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain.
Ayon sa DTI, bukas ito para sa retailers na kayang tumupad sa patakaran ng ahensya na magbebenta lamang ng P38 per kilo sa bigas habang P50 per kilo naman sa asukal.
Kinakailangan lamang isumite ang letter of intent sa DTI at magpasa ng notarisadong application form. Pinagpapasa rin ang mga interesadong retailers ng kanilang buwanang inventory at sales report.
Comments are closed.