APLIKASYON PARA SA 2025 BAR EXAMS SA ENERO 8 NA-SC

BAR EXAM-3

IPINAALALA ng Supreme Court (SC) sa mga nagnanais kumuha ng 2025 Bar Examinations na ang aplikasyon ay magsisimula mula Enero 8 hanggang Marso 17.

Ayon sa inilabas na bulletin, lahat ng mga bagong aplikante, dating kumuha ng Bar Exams at mga refresher na wala pang account sa Supreme Court online platform na Bar Applicant Registration System and Tech Assistance (BARISTA) ay maaaring gumawa ng kanilang account sa https://portal.judicialry.gov.ph/.

Kinakailangan ng mga aplikante na kompletuhin o i-update ang kanilang profile, punan ang application form, mag-upload ng digital na kopya ng mga dokumentong kailangan at magbayad ng P12,800 na application fee gamit lamang ang mga paraan ng pagbabayad na inilalaan sa BARISTA.

Pagkalipas ng sampung (10) araw mula sa abiso ng pag-apruba, kailangang isumite ng mga aplikante ang naka-print at pirmadong application form kasama ang pisikal na kopya ng mga dokumentong hinihingi sa Office of the Bar Confidant (OBC).

Para sa mga kulang na dokumento, kailangang mag-upload ng digital na kopya sa BARISTA at magsumite ng pisikal na kopya sa OBC mula Hunyo 16 hanggang Oktubre 14, 2025.

Samantala, inanunsyo rin ng Korte Suprema na ang oath-taking at roll signing ceremonies para sa mga pumasa sa 2024 Bar Exams ay gaganapin sa Enero 24 sa SMX Convention Center, Pasay City.

RUBEN FUENTES