APLIKASYON SA CHIEF JUSTICE BUKAS NA

Inanunsiyo kahapon ng Supreme Court (SC) na bukas na ang aplikasyon para sa posisyong binakante ni dating Chief Justice Maria Lourdes Se­reno.

Ayon kay SC Spokesman Theodore Te, itinakda nila sa Hulyo 26 ang deadline para  makompleto ang lahat ng requirement ng mga intresadong aplikante.

Sinabi ni Te na lahat ng limang pinaka-senior na Associate Justice ay awtomatikong nominado sa posisyong binakante ni Sereno pero kinakailangan pa rin na magsumite sila ng “written acceptance” para sa nominasyon bago ang Hulyo 26.

Kabilang sa mga ikinokonsiderang pinaka-senior associate justice sa SC ay sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justices Teresita Castro, Noel Tijam, Presbitero Velasco, Diosdado Peralta at Arturo Brion.

Gayunman, una nang inihayag ni Carpio na hindi niya tatanggapin ang anumang nominasyon para ma­ging kapalit ni Sereno dahil na rin sa delicadeza.

Samantala, may walo nang nasa shortlist na pagpipilian si Pangulong Rodrigo Duterte kapalit naman ng magreretirong si Velasco sa  Agosto 8.

Kabilang dito sina Court of Appeals (CA) justices Apolinario Bruselas, Rosmari Carandang, Ramon Garcia, Ramon Hernando, Amy Lazaro-Javier, Jose Reyes Jr., Court Administrator Jose Midas Marquez, at da­ting Ateneo de Manila University College of Law Dean Cesar Villanueva. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.