PAANO masasabing nanganganib ang isang wika?
Ano-ano ang mga hakbang at dapat isaalang-alang sa pagsagip at pagpepreserba ng wika?
Bakit mahalaga ang pagpapasigla ng wika?
Inaanyayahan ang lahat ng mga guro, mananaliksik, at iskolar sa wika na maging bahagi ng kauna-unahang Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika (International Conference on Language Endangerment) na may temang Sustaining Languages: Sustaining the World. Gaganapin ito sa 10-12 Oktubre 2018, 8:00nu–5:00nh sa 6/F Conference Center, National Museum of Natural History, Teodoro F. Valencia Circle, Ermita, Maynila.
Layunin ng kumperensiya na: pagsamasamahin ang mga prominenteng iskolar sa pananaliksik ukol sa iba’t ibang aspeto ng nanganganib na wika, dokumentasyon, at revitalization; mailahad ang mga karanasan at pinakamahusay na paraan sa pananaliksik at pagbuo ng programa; matalakay ang iba’t ibang isyu na nakaaapekto sa mga wika; at makabuo ng plano para sa pagtataguyod ng kongkretong proyekto tungkol sa mga nanganganib na wika ng Filipinas.
Kabilang sa mga magiging plenaryong tagapanayam at panel reaktor sina Dr. Peter Austin, SOAS University of London; Dr. Gregory Anderson, Living Tongues Institute for Endangered Languages; Dr. Ganesh Devy, People’s Linguistic Survey of India; Dr. Larry Kimura, University of Hawaii-Hilo; Dr. Brendan Fairbanks, University of Minnesota; Dr. Suwilai Premsrirat, Mahidol University; at Dr. Purificacion Delima, Komisyon sa Wikang Filipino.
Bukás ang aplikasyon sa publiko para sa walumpong (80) slots–limampu (50) mula sa Filipinas, at tatlumpu (30) mula sa ibang bahagi ng daigdig.
I-fill-out ang form ng aplikasyon sa link na nasa ibaba, ipadala sa [email protected]. Tatanggap ng aplikasyon hanggang ika-7 ng Setyembre 2018. Makatatanggap kayo ng pabatid kung natanggap o hindi mula 12-17 ng Setyembre.
Kapag natanggap na kalahok sa kumperensiya, wala kayong babayarang anumang rehistrasyon pero hindi sasagutin ng Komisyon sa Wikang Filipino ang inyong akomodasyon, transportasyon, at pagkain.
Para sa iba pang detalye magpadala ng mensahe sa [email protected], o tumawag sa +63932-6348721, +6392-2521953.
Mahalaga ang inyong magiging ambag sa pagsagip sa mga nanganganib na wika.
Comments are closed.