SULU-PATAY sa military operation ang isang bomb maker at umano’y apo ni Abu Sayyaf Group Leader Radullan Sahiron sa Talipao.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP)-Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, tumugon sa reliable information ang Joint Task Force Sulu at nasabat ang dalawang bandido na sakay ng motorsiklo sa Barangay Bilaan at bandang alas-9:45 ng gabi npong Abril 18.
Nakuha ng mga sundalo ang bangkay ng apo ni Sahiron matapos na paulanan ng bala ang mga sundalo na napilitangg gumanti ng putok.
Nakuha ang inabanonang bangkay ng ASG sa Barangay Lambana at kinilalang si alyas sVikram.
“Vikram is an IED maker and involved during the Jolo Cathedral and 1st Brigade Combat Team bombings,” pahayag naman ni Maj. Gen. Corleto Vinluan, Joint Task Force Sulu commander.
Sinabi ni Vinluan na sangkot si Vikram sa pagpapasabog sa Jolo Cathedral ilang taon na ang nakalilipas at pakikipagbakbakan sa 21st Infantry Battalion na ikinasawi ng ilang sundalo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.