ISANG kakaibang pangyayari ang naganap noong July 16-24, 1969. Mula sa Cape Kennedy, noong July 16, nagsimulang maglakbay ang American spacecraft na Apollo 11 sakay ang tatlong astronauts sa pamumuno ni Neil Armstrong, Kasama sina Command Module Pilot Michael Collins at Lunar Module Pilot Edwin “Buzz” Aldrin.
Nagsagawa sila ng initial earth-orbit na 114 by 116 miles.
Kontrobersyal ang bandera ng America na nakitang nagwawagayway sa Buwang walang hangin. May nagtanong tuloy kung totoo nga bang naganap ang Moon landing o baka pinabilib lang tayo ng America — worldwide pa naman ang satellite coverage nito, noong panahong hindi pa uso ang internet.
Pero may paliwanag sila hinggil dito. ut, there was science behind it.
Humarap ang mga NASA engineers sa isang kakaiba at napakalaking hamon nang i-design nila ang American flag na ibabaon sa mukha ng buwan. Syempre, ito ang bandilang itatanim at iiwan sa buwan sa panahon ng Apollo 11 mission. Kailangang magwagaywaybito sa Buwang walang umiihip na hangin. Paano?
Limampu’t limang taon na ngayon ang nakalilipas, isa ako sa milyun-milyong tao sa buong mundo na tumutok sa black and white television screen ng kapitbahay (dahil wala pa kaming TV noon at wala pa ring colored TV), lalo na noong nakatakda nang yumapak sa kauna-unahang pagkakataon ang dalawang tao sa buwan — isang masasabing uncharted world.
Mahigit 3,80,000 kilometro ang layo, nagsimula ang pagbaba ng lander (hindi ko pa alam na la lander ang tawag
Doon dahil eight years old pa lang ako). Ilang minuto pa, nagsagawa sila ng historic call: “On Tranquillity Base, the Eagle has landed.”
Ang pangarap ay naging katotohanang — nakarating ang tao sa buwan.
Noong July 20, 1969, gumawa ng pandaigdigang kasaysayan si astronaut Neil Armstrong nang bumaba siya sa hagdan upang yumapak sa mukha ng buwan, kasunod si astronaut Buzz Aldrin.
Sa mga sumunod na oras, nangolekta sila ng ilang samples, habang ninamnam ang malamig na sinag ng araw sa kakaibang landscape, at sinasamantala ang Sea of Tranquillity ng nasabing lugar. Ah, sa buwan nga pala — ang landing site ng Apollo 11.
Buong pagmamalaki nilang itinanim ang bandila ng America sa mukha ng buwan.
Neil Armstrong
Iyon ang bandilang nakitang limilipad sa Buwang walang hangin, na kalauna’y ay tumawag ng napakaraming kontrobersyal, kung saan nagkaroon pa ng agdududa kung totoo nga bang nagkaroon ng Moon landing, o dinaya lamang tayo ng mga Americans. Ngunit may paliwanag sila dito.
Nasabi na nga nating isang malaking hamon ito sa mga NASA engineers.
Hindi madaling gumawa ng bandilang kayang magwagayway kahit walang hangin. Pero natoka ang assignment na ito kay Jack Kinzler, chief of technical services at Nasa’s Manned Spacecraft Center (Johnson Space Center na ngayon).
Si Kinzler, kasama ang kanyang team, ay nag-devise ng isang ingenious solution upang magmukhang limilipad ang bandila. Gumawa sila ng telescoping flagpole na may horizontal crossbar sa itaas.
Nakalagay ang bandila sa crossbar at nakatahi sa top edge upang makagawa ng parang manggas. Dahil sa design na ito, extended ang bandila palabas, kaya nagkakaroon ng impresyong limilipad ang bandila sa hangin, kahit pa nga wala talagang hangin.
Ang flagpole mismo ay gawa sa anodised aluminium tubing, na talagang pinilit dahil magaan at matibay kayang lampasan ang matinding init. Kinundidera din ng team ang material ng bandera, kung saan pinilit nila ang nylon fabric na kakayanin ang harsh lunar environment at matinding init ng araw.
Upang masigurong tatayo ng maayos ang American flag kahit napakababa ng gravity ng buwan, nagdagdag si Kinzler at ang kanyang team ng maliliit na spring catch na magki-click at maglalagay sa pwesto sa bandila, kung saan man itutusok ng mga astronauts ang tagdan. Ang mekanismong ito ang dahilan kaya nanatiling nakatayo ang bandila.
Ang buong flag assembly ay dinisenyong maging compact and lightweight, na akmang akma sa protective tube na 3 inches lamang ang diameter at 36 inches naman ang haba. Dahil dito, madali itong nailagay sa lunar module na halos walang nadagdag na bigat o nabawas na space.
Kung kinilala ng mundo ang tatlong astronauts, dapat ding kilalanin si Kinzler at ang kanyang innovative design, dahil hindi kamang niya niresolba ang practical problem of displaying a flag in an airless environment, kundi nakagawa pa siya ng iconic image na sumimbulo sa isa sa pinakamahalagang achievements ng sangkatauhan.
Sa pagkakaroon ng American flag na buong pagmamalaking nakatayo sa pisngi ng buwan, naging isa itong makapangyarihang visual representation ng matagumpay na misyon ng Apollo 11 at pagtatapos na rin ng space race sa pagitan ng USA at dating USSR (Union of Socialist Soviet Russia).
Ang matagumpay na disenyo ng bandila ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon pa ng ibang Apollo missions, at sa bawat lunar landing, ipinakikita ang iagtatanim ng American flag na mula sa ingenuity ni Kinzler. RLVN