APOR BAWAL MAGPAHATID-SUNDO-PNP

HUMIHINGI ng pang-unawa si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagbabawal magpahatid-sundo sa mga pribadong sasakyan ang mga authorized persons outside residence (APOR) na mga manggagawa kapag isinailalim na sa enhanced community quarantine ang Metro Manila simula Biyernes.

Apektado ng kautusang ito ang mga manggagawa, lalo na ang mga hindi kayang magmaneho.

“Hindi po pupuwede ‘yon kasi ito po ‘yong puwedeng abusuhin eh. Ano ba naman ‘yong magda-drive ka nang mag-isa ka lang sa sasakyan, hindi ka APOR, sabihin mo, ‘Pasensiya, ako po’y naghatid, galing po doon, pauwi na ako,'” ani Eleazar sa panayam ng Teleradyo.

“Hinihingi po namin ang inyong pag-unawa sa mga pagkakataong ito,” dagdag niya.

Nilinaw naman ni Eleazar na puwedeng tumawid ng borders ng mga lungsod sa Kamaynilaan ang mga workforce APOR at hindi rin sila sakop ng curfew dahil sa trabaho.

Naging maluwag umano ang mga awtoridad sa polisiyang ito noon, pero hihigpitan na ngayon dahil may limitado namang pampublikong transportasyon.

109 thoughts on “APOR BAWAL MAGPAHATID-SUNDO-PNP”

  1. 241588 473560Oh my goodness! an wonderful article dude. Thank you Even so My business is experiencing issue with ur rss . Dont know why Unable to subscribe to it. Can there be anyone obtaining identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 622010

  2. 496235 677736Im glad I identified your write-up. I would never have made sense of this topic on my own. Ive read several other articles on this topic, but I was confused until I read yours. 128982

Comments are closed.