BUKIDNON – NASAWI ang isang sangol na lalaki nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Purok 2, Barangay Poblacion, Valencia City.
Sa report ng Bureau of Fire Protection, nag-overheat ang electric fan kaya sumiklab ang apoy na nagmula sa kuwarto ng pag-aari ng pamilya Catao.
Sinasabing kasalukuyang naliligo ang ina ng biktima sa ground floor ng kanilang bahay habang nahihimbing naman ang anak nitong si John Michael Catao nang magsimulang magliyab ang kuwarto.
Mabilis na kumalat ang apoy sa 2nd floor ng bahay kaya hindi na nagawa pang maka-akyat ang ina para iligtas ang anak.
Isa pa ang nasugatan sa insidente na kinilalang si Regie Palban.
Tinatayang aabot sa Php1 milyon ang naging danyos sa nasabing sunog na tumupok din sa ilang kalapit na bahay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.