AKLAN – NADISKARIL ang hanapbuhay ng mga tinder sa Kalibo Public Market nang masunog ang nasabing pamilihan kahapon ng madaling araw.
Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, bigla na lamang sumiklab ang apoy sa bahagi ng meat section na malapit sa tindahan ng mga tsinelas.
Mabilis na kumalat ang apoy sa iba’t ibang stall hanggang maging ang kalye sa paligid ng nasabing pamilihan ay nadamay kaya hindi madaanan.
Pinaniniwalaang nag-trip na kawad ng koryente ang sanhi ng sunog, subalit iimbestigahan na ang nasabing insidente.
Hindi pa idinedetalye ng Bureau of Fire Protection-Aklan kung magkano ang halaga ng danyos habang wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa sunog. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.