PORMAL na inilunsad ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang sariling APP Alert System nito para mas mapaigting ang serbisyo ng pulisya sa mga mamamayan dito sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay NCRPO chief PMGEN Jonnel C Estomo, layunin ng APP ALERT na mapabilis ang pagtugon ng mga pulis sa oras ng pangangailangan ng tulong o anumang tawag ng tungkulin na may kaugnayan sa pagpapanatili ng Kapayapaan at Kaayusan sa Kalakhang Maynila.
Sinabi ni Estomo na ang proyektong ito ay bahagi pa rin ng S.A.F.E. NCRPO program na kanyang inilunsad simula nang maupo siya bilang regional direcor ng NCR.
Naniniwala si Estomo na sa pamamagitan ng S.A.F.E. NCRPO APP ALERT ay lalong magiging mabilis ang ugnayan ng pulisya sa mga mamamayan dahil lalong makikita, makikilala at mararamdaman ang mga di-pangkaraniwang gawain ng mga pulis na nakatalaga dito sa Kalakhang Maynila.
Ipinaliwanag naman ni Pltcol Mark R Foncardas, ang project manager / consultant ng S.A.F.E. NCRPO APP ALERT na maaaring i-download ito sa kani-kanilang mobile phones at sa pamamagitan nito.
Idinagdag pa ni Foncardas na sa pag-download lamang ng nasabing S.A.F.E. NCRPO APP ALERT kailangan ang load pero pag nai-download na ang nasabing application ay maaari na itong gamitin ng isang indibidwal upang makipag-ugnayan sa pulisya.
Sa pamamamagitan ng S.A.F.E. NCRPO APP ALERT madali na para sa isang ordinaryong mamamayan na maipagbigay alam agad sa pulis ang isang pangyayari o insidente ng krimen. EVELYN GARCIA