APPETITE-CONTROL TIPS SA KABILA NG KALIWA’T KANANG HANDAAN

HANDAAN-6

(ni CT SARIGUMBA)

MAHIRAP ang magpigil ng pagkain lalo na kung katakam-takam ang mga nakahain sa ating harapan. Sa simpleng kainan nga lang ay halos ayaw nating magpaawat, paano na kaya ngayong kaliwa’t kanan ang mga handaan.

Marami sa atin ang hirap na hirap pigilin ang kanilang appetite.

UMINOM NG MARAMING TUBIG

Para maiwasan ang pagkain ng marami  importante nang pag-inom ng maraming tubig.

Iwasan naman ang pag-inom ng mga liquid calories gaya ng juice dahil hindi ito makatutulong upang maiwasan ang pagkain ng marami.

Uminom din ng tubig 20 minutes bago kumain.

IWASAN ANG PAG-INOM NG ALCOHOL

Isa naman sa dapat na iwasan ay ang pag-­inom ng alcohol dahil wala itong maitutulong upang mabawasan ang pagkain ng marami.

Pagdating nga naman sa mga party, hindi nga naman maiiwasan ang alak o mga inu­ming nakalalasing. Bukod nga naman sa pagkain ay isa pa ito sa hindi puwedeng mawala sa bawat handaan.

Puwede rin naman ang uminom ng alak pero untian lang ang pag-inom.

NGUYAING MABUTI ANG PAGKAIN

Makatutulong din ang pagnguyang mabuti ng pagkain upang maiwasan ang mapakain ng marami. Sa pamamagitan din ng pagnguyang mabuti ng pagkain ay mabubusog ka. Mas madali ring mada-digest ang pagkain kung nanguya itong mabuti.

Kaya naman, gaano man kasarap ang mga pagkaing nasa harapan, nguyain pa ring mabuti ang pagkain at huwag magmadali.

Maging maingat din sa pagpili ng mga kaka­inin nang hindi lumobo matapos ang holiday at mapanatiling malusog ang pangangatawan.

HUWAG MAGPAPA-STRESS

Hindi maiiwasan ang stress lalo na ngayong papalapit na ng papalapit ang holiday. Napakarami nga namang nangyaya­ring hindi inaasahan gaya na nga lang traffic at biglaang trabaho.

Sa ganitong pagkakataon, mainam kung iha-handle ng mabuti ang stress. Kumbaga, hangga’t maa­aring iwasan ang stress, iwasan ito.

KUMAIN NG MERIENDA BAGO MAGTUNGO SA HANDAAN

May ilan sa atin na kapag may pupuntahang handaan, hindi kumakain ng merienda o meal. Dahilan nila, para umano makakain ng marami.

Walang magandang naidudulot ang pag-skip ng meal o merienda dahil magiging dahilan lang ito ng pagkain ng marami at pagdaragdag ng timbang.

Kaya para maiwasan ang madagdagan ang timbang, iwasan ang pag-skip ng meal o merienda. Siguraduhin ding balanse ang kinakain.

HUWAG MAGPUPUYAT

Sa pagsapit din ng holiday, iwasan din ang pagpupuyat sapagkat nagiging daan ito upang mapalakas ang pagkain.

Dahil nga naman sa kakulangan ng tulog, nag­hahanap ang katawan ng paraan upang mabawi ito. Kaya napapakain tayo ng marami.

Kaya nang maiwasang magkaroon ng dagdag na timbang matapos ang pagsasaya, iwasang magpuyat.

LIMITAHAN ANG PAGKAIN NG DESSERT

Isa rin sa hindi nawawala sa bawat handaan ang dessert. Wala nga namang kasing sarap ang mga dessert na inihahanda kapag es­pesyal ang okasyon.

Tayong mga Pinoy pa naman, napakahilig natin sa dessert. Pagkatapos kumain, naghahanap tayo ng matatamis.

Pero ngayong holiday, maging maingat sa pagkain o pagpili ng dessert nang hindi naman maging lumba-lumba matapos ang holiday o pagsasaya.

Sa pagiging obese rin ay maraming sakit ang puwedeng makuha.

Kaya’t parang ma­ging healthy at mas masaya, maging maingat sa kakainin, lalo na sa usapang dessert.

GUMAMIT NG MAS MALIIT NA PINGGAN

Sa pagkain din sa mga handaan, makatutulong din upang maiwasan ang pagkain ng marami sa pamamagitan ng paggamit ng mas ma­liit na pinggan.

Maraming paraan upang makontrol natin ang ating appetite sa kabila ng kaliwa’t kanang handaan. Ilan lamang ang mga nakalista sa itaas sa maaaring subukan. (photos mula sa longevitylive.com, atp.fitness, healthline.com)

Comments are closed.