INANUNSIYO kahapon ng Premier Volleyball League (PVL) ang pagpapalawig sa application deadline para sa mga aspirant ng inaugural rookie draft sa Hulyo.
Ang bagong deadline ay itinakda sa Hunyo 12, 2024.
Ang desisyon ay bilang tugon sa kahilingan ng maraming aplikante para sa karagdagang panahon na makakuha ng kinakailangang supporting documents.
Nagpahayag si PVL Commissioner Sherwin Malonzo ng pang-unawa at suporta sa pangangailangan ng mga aplikante.
“Since this is the first-ever draft event for the PVL, many applicants have requested more time to compile their necessary documents,” sabi ni Malonzo.
“We want to ensure that all aspiring players have the opportunity to participate in this historic event, and extending the deadline will help achieve that,” dagdag pa niya.