APPOINTMENT NI FAELDON SA BUCOR PINIRMAHAN NA NI DIGONG

FAELDON-3

NAPIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang susunod na Director General ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Guevarra, nakatakdang ipalabas ng Executive Secretary ang appointment ni Faeldon, kasabay ng ika-113 anibersaryo ng BuCor.

Sinabi ni Guevarra na legal na at maaari nang manungkulan si Faeldon sa BuCor.

Nabatid na iniendorso noong nakalipas na linggo sa Commission on Civil Service (CSC) ang appointment ni Faeldon bilang head ng BuCor sa Malakanyang.

Nauna rito, nilinaw ng abogado ni Faeldon na si Atty. Jose Diño na hindi pa nagre-report ang dating BOC commissioner sa puwesto dahil wala pa itong appointment na natatanggap mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Faeldon na hindi siya puwedeng manungkulan sa isang puwesto kung hindi siya ini-appoint at sa kabila ng anunsiyo ni Guevarra hindi naman kinukumpirma ng Malakanyang ang kanyang appointment.

Papalitan ni Faeldon sa posisyon si dating PNP chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na nagbitiw sa puwesto matapos na maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-Senador sa 2019 National and Local Elections.

Papalitan ni Faeldon sa posisyon si dating PNP chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na nagbitiw sa puwesto matapos na maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-Senador sa 2019 National and Local Elections. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.