NANAWAGAN ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa kasundaluhan na higitan pa ang ipinakikitang dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin para mapanatili ang mataas na trust rating na ibinigay ng publiko sa Hukbong Sandatahan.
Sa resulta ng PUBLiCUS’ Pahayag 3rd Quarter Survey, ang AFP ay nakapagtala ng highest trust rating na 57 percent, kasunod ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Education (DepEd) na may 56 at 55 percent.
Bukod dito ay nakakuha rin ang AFP ng 67 percent approval rating na dikit lamang sa nangunang TESDA.
Sinasabing posibleng ang mataas na survey result na nakuha ng AFP base sa ginawang pag-aaral ng PUBLiCUS Asia kumpara sa trust rating ng 10 government agencies, bunsod sa nakita at naramdaman ng mamamayan sa panahon ng kalamidad.
Posible umanong may mataas na trust rating ang AFP hindi lamang dahil sa nakikitang papel na ginagampanan nito sa peace and order, giyera kontra terorismo at insurgency, higit sa lahat ang pangunguna nila sa search and rescue operations at humanitarian assistance and disaster response tuwing may kalamidad.
“The AFP has the Army, Navy and Air Force at its disposal during times of calamities and disasters such as typhoons and earthquakes. Army soldiers are responsible for conducting rescue and relief missions in far-flung areas in the provinces. Navy personnel are engaged in seaborne search and rescue operations,” ayon sa Malacanang kaya hindi kataka-taka na mahalin sila ng tao.
Nabatid na maging ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ay nakakuha ng 78 percent approval rating sa pinakahuling Pulse Asia Survey para sa kanyang first 100 days in office, bunsod na rin ng ipinakitang malasakit sa sambayanan at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng taumbayan sa mga calamity-hit areas at sa kanyang pagsisikap na masawata ang pagkalat ng Covid-19.
Totoo sa kanyang ipinangako sa taumbayan, tiniyak ni Presidente Marcos ang tuloy tuloy na suporta sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), lalo na nitong tatlong sunod sunod na disaster (Abra earthquake, STS Florita, STY Karding) na tumama sa bansa mula nabg siya ay manungkulan nitong Hunyi 30, 2022.
“Our dream is to build a disaster-resilient nation. Let this fruition be an enduring testament that President Marcos is committed to supporting us in realizing this dream. Truly, “Ang Pangarap ni’yo ay pangarap ko rin,”ani NDRRMC Chairperson and Department of National Defense OIC Senior Undersecretary Jose C. Faustino Jr.
“As we continue to move forward on our journey to disaster resilience, this success of the administration in its first 100 days can indeed promise more inclusive progress in the years to come. MAGING LIGTAS, MAGING PANATAG PILIPINAS; dagdag pa ni Sec. Faustino. VERLIN RUIZ