Lubos na pinagkakatiwalaan ng mg Filipino sa ngayon Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang daan upang makapagtrabaho sa abroad.
Ayon sa report, ito ang government agency sa Pilipinas na ayon sa sarbey ng PUBLiCUS Asia Inc ay inaasahang makatutulong sa mga may gustong magtrabaho, lalo na kung ang target ay abroad.
Natuklasang sa seventh consecutive quarter ng mga nagdaang taon, nananatiling 72% ang approval rating ng TESDA at 58% naman ang trust rating, batay naman sa sarbey ng Pahayag Second Quarter 2024.
Ayon Kay TESDA Director General, Secretary Suharto T. Mangudadatu, ikinatuwa nila ratings. Resulta umano ito ng pagsisikap ng ahensyang mas mapagbuti pa ang kanilang serbisyo.
“TESDA continues to make tech-voc training accessible to Filipinos, enabling them to uplift their lives. We offer our deepest gratitude for your continued trust and support in our initiatives,” ayon sa kalihim.
Inilinsad ng TESDA ang “TESDA Sa Barangay” program na naglalayong abutin at tulungan ang mga barangay, at upang mabuksan ang isip ng nga Filipino na magkaroon ng skills training sa kanilang lokalidad, bilang dagdag na pangkabuhayan.
Gayundin, ibinalik ng ahensya ang Overseas Assessment Program sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang bansa.
Kasali rin ang TESDA sa LAB for All Caravan na isinusulong at pinangunginahan ni First Lady Liza Araneta Marcos, at sa Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan, kung saan may mga booths ang TESDA para sa scholarship applications, at namimigay rin ng allowances at starter toolkits na pangkabuhayan.
“We are dedicated to increasing enrollment in TVET courses among Filipinos. These courses are designed to align with industry standards, ensuring our graduates are well-prepared for the evolving demands of the workforce.,” dagdag pa ni Secretary Mangudadatu.
Samantala, ikalawa ang Armed Forces of the Philippines sa Pahayag survey, na ang approval rating ay 67% at ang trust rating ay 54%.
Maganda rin ang natanngap na rating ng Department of Science and Technology (DOST) na 64% approval at 47% trust; Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at 61% at 49%; Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 60% at 45%; Commission on Higher Education (CHED) 59% na 48%; Civil Service Commission (CSC) at 58% at 43%; na Department of Education (DepEd) 58% at 49%; Department of Labor and Employment (DOLE) na 56% and 44%; Department of Health (DOH) na 55% at 43%.
Ang Pahayag Second Quarter 2024 survey ay isinagawa noong June 15 -19 sa 1,507 respondents sa buong bansa. JAYZL VILLAFANIA NEBRE