TUMAAS ng tatlong puntos ang approval ratings ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa kanyang pagsisikap sa tatlong mahahalagang isyu — inflation, paglago ng ekonomiya at trabaho —, ayon kay Eastern Samar Governor Ben P. Evardone.
Pinuri ni Gov. Evardone ang direksiyon ng administrasyong Marcos sa tatlong naturang isyu makaraang lumitaw sa survey ng Pulse Asia na tumaas ang approval ratings ng Pangulo ng tatlong puntos, mula 65% sa 68% noong December 2023.
Bago ang survey period ng Pulse Asia, ang, employment rate sa ilalim ng administrasyong Marcos ay sumirit sa 95.8%, ang pinakamataas sa loob ng 18 taon. Lumago rin ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.9% sa 3rd quarter, ang pinakamalakas sa major Asian economies.
Nagpalabas din si Presidente Marcos ng mahahalagang direktiba para mapalakas ang agricultural sector ng bansa sa pamamagitan ng pagsasaprayoridad sa local production laban sa imports, pagsusulong sa kakayahan ng Filipino farmers na magprodyus ng bigas. at pagtataas sa farmgate price ng local rice subalit ibebenta ito sa mas mababang presyo sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA).
Sa isang statement, sinabi ni Gov. Evardone na ang pag-angat sa approval ratings ay dapat asahan dahil ang mga pagsisikap ng administrasyong Marcos ay nagsisimula nang magbunga.
“This reflects the public’s approval and appreciation of what the President has done to tame inflation, spur economic growth and create jobs,” ani Gov. Evardone.
“As more of these initiatives are pursued, and bear fruits that will benefit the people, expect the satisfaction score of the administration to go up as well,” dagdag pa ng Eastern Samar governor.
Subalit binigyang-diin ni Gov. Evardone na ang hamon ngayon ay kung paano pa mapaaangat ang approval ratings ng Pangulo, ipinaliwanag na ang upward trajectory ay nakasalalay sa mga hakbangin na tumutugon sa mga pangangailangan ng publiko.
“It will be built on the gains of the past. The template of decisive action the President has shown is what will move us forward,” aniya.
Gayunman, sinabi ni Gov. Evardone na ang public officials “should not be affected and guided solely on survey ratings but more importantly, on our commitment to serve our people,”
“We should continue to aggressively implement more programs for the poor, especially those in the countryside,” sabi pa ng gobernador.