BATAAN – ALAM n’yo ba na kahapon, Abril 9, ay ginugunita ang Araw ng Kagitingan (National Day of Valor) na dating tinawag na Death March at Bataan Day.
Tinawag din itong Day of Infamy ng mga Amerikano dahil hindi nagdeklara ng giyera ang mga Hapon dahilan para hindi nabigyan ng babala ang mga inosentemg sibilyan na nadamay at namatay noong Abril 9, 1942.
Sa kabuuan noong petsang iyon, 10,000 katao ang namatay, 1,000 Filipino at 9,000 sundalo. Hindi pa kasama ang mga nasawi sa kasagsagan ng giyera.
Ang Death March ay ang puwersahang paglipat ng Imperial Japanese sa may 60,000 hanggang 80,000 prisoners of war na mga Amerikano at Filipino mula Saysay Point, Bagac, Bataan at Mariveles patungong Camp O’Donnel, Capas, Tarlac.
Ang paggunita sa Araw ng Kagitingan ay pasasalamat ng mga bagong henerasyon sa mga Filipino and American soldiers sa pagdepensa sa Filipinas at pagdakila sa mga lumaban noon. EUNICE C.
Comments are closed.