Bataan Death March ang tawag sa brutal na pagpatay na isinagawa ng Imperial Japanese Army sa Allied POWs (prisoners of war) noong panahon ng Philippine Commonwealth mula April 9 hanggang April 15, 1942. Ito ang resulta ng pananakop ng Japan sa Pilipinas na nagsimula noong December 8, 1941 — isang araw matapos bagsakan ng atomic bomb ang Pearl Harbor. Ilang oras matapos ang December 7, 1941 attack sa American naval base sa Pearl Harbor sa Hawaii, inasulto na kaagad ng Japanese military ang Pilipinas, kung saan binomba ang mga airfields at mga base, harbor at mga shipyards. Idinepensa ng mga American at Filipino ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbuo sa U.S.A.F.F.E., o United States Armed Forces in the Far East, at lumaban sila sa Bataan Peninsula sa loob ng tatlong buwan bago sumuko sa unang linggo ng Abril.
Ang April 9 ang ika-99 na araw ng taon, (100th kapag leap years tulad ngayong 2024) sa Gregorian calendar. Holiday ito sa Pilipinas batay sa Republic Act No. 3022 na pinirmahan ni dating President Diosdado Macapagal na nagdedeklara sa nasabing araw na isang legal holiday bilang pag-alala sa makasaysayang Fall of Bataan. Binago naman ni former President Gloria Macapagal-Arroyo ang pangalan nito na sa halip na Bataan Day ay naging Araw ng Kagitingan (Day of Valor), bilang pahkilala hindi lamang sa mga nasawi sa Fall of Bataan, kundi sa lahat ng mga bayani sa World War II, buhay man o patay.
Itinatag ang Bataan noong 1754 ni Governor General Pedro Manuel Arandia. Dati itong bahagi ng Pampanga at corregimiento sa Mariveles, na noong panahong iyon ay kasama rin ang Maragondon sa Cavite na katapat lamang ng dagat.
Sa tatlong buwang pakikipaglaban ng mga amerikano at Filipino, kapos na kapos sila sa pagkain at bala dahil walang makapasok na supplies kaya napilitan silang sumuko. Ito ang simula ng Death March, isa sa pinakanakakikilabot na krimeng ginawa ng mga Hapones noong panahon ng digmaan.
Kumalat ang balitang “Bataan has fallen,” na na-broadcast pa sa isang freedom radio station noon ding April 9. Ito ang hudyat ng liberation struggle na nagluklok sa mga Filipino bilang matatapang na tagapagtanggol ng kalayaan.
Natapos ang Battle of Bataan noong April 9, 1942, nang sumuko si U.S. Gen Edward P. King kay Japanese Gen. Masaharu Homma.
Nang matapos ang giyera, sumailalim sa American military tribunal si Lieutenant General Homma Masaharu, commander ng Japanese invasion forces sa Pilipinas. Napatunayan siyang nagkasala sa trahedya ng death march, at nahatulang mamatay sa firing squad noong April 3, 1946.
Hindi kataka-takang mahatulan si Masaharu, dahil ang bilang ng namatay sa nasabing death march ay 5000 hanggang 18,000 na Filipino at 500-650 na Americans. Unfair man para sa atin, dahil hindi naman natin ito laban, wala tayong magagawa. Nangyari na ang nagyari.
Nagsimula ang Bataan Death March noong April 10, 1942, nang sapilitang paglakarin ng mga Hapon ang 78,000 prisoners of war kung saan may 12,000 sundalong amerikano at 66,000 sundalong Filipino. Mula Bataan, naglakad silang walang pagkain at tubig patungong Camp O’Donnell.
Sa pamamagitan ng Voice of Freedom radio broadcast, binasa ni Third Lieutenant Normando Ildefonso Reyes ang mebsaheng ipinadala ni Captain Salvador P. Lopez, na nagsasabing bumagsak na ang Bataan upang ipaalam sa Pilipinas at sa buong mundo – mula sa Malinta Tunnel sa Corregidor:
Habang binabasa ito, nagsisimula nang maglakad sa kanilang kamatayan ang mga gutom at pinagmamalupitang sudalo sa madilim at mabatong daanang umabot sa 101 kilometro. May 54,000 na POWs lamang ang nakarating sa destinasyon habang ang mahigit 10,000 ay namatay sa paglalakbay, habang may iilang nakatakas sa kagubatan.
Umabot ng walong araw at pitong gabi ang kanilang paglalakbay.
Ang Bataan Death March ay naging crucial turning point ng ikalawang digmaang pandaigdig at teatro ng Pasipiko dahil sa hinagpis ng publiko sa ginawang pagtrato sa mga sumukong sundalio. Sumuko na sila, kaya hindi na dapat tinrato ng masama.
Sa pagdating pa lamang ng mga Hapones sa Pilipinas, marami sa kanila ang nagpakita ng kalupitan, kahit pa sa mga ordinaryong mamamayang Filipino. Agad silang pumapatay sa maliit lamang na pagkakamali. Walang awa silang bumabaril, nananaksak, at pinuputulan pa ng ulo, na ang bangkay ay iniiwan lamang na nakatiwangwang sa kadawagan.
Sa panahon ng walong araw na Bataan Death March, bukiod sa walang pagkain at tubig, ang mga nagtangkang tumakas na nabigo ay pinutulan ng ulo, habang ang mga namatay sa matinding gutom at uhaw at sa matiding pagod ay sinasaksak sa puso upang masigurong patay bago iwanan. Nang makarating naman sila sa Camp O’Donnel, kalahati sa mga naunang survivors ang namatay rin dahil sa matinding parusa at kakulangan sa pagkain at tubig sa loob lamang ng dalawang buwan.
Walang kinalaman ang Pilipinas sa away ng America at Japan, ngunit para sa mga Hapones, ang Pilipinas ay mahalagang bahagi ng wartime expansion. Ang mga natural na yaman ng Pilipinas at ang pagkalusaw ng Far Eastern Air Force ni General Douglas A. MacArthur’ ang kanilang pangunahing layunin, kaya lumusob sila sa Pilipinas sa takot na atakihin sila ng U.S. sa himpapawid.
Laging trahedya ang alaalang dala ng Bataan Death March. Kamatayan ito ng mga Filipino na dapat sana ay masayang kasama ang kanilang pamilya na walang alalahanin. Masasabing isa itong kapalaran – ngunit sino ng aba ang dapat sisihin?
Nagsisi na ang Japan at humingi na ng tawad sa atin – na agad naman nating tinanggap. Ang mga American – nag-sorry ba? Parang hindi naman. Wala akong nabalitaan. Kung tutuusin, sila ang may kasalanan kung bakit nadamay tayo sa giyerang sila lamang ang may gusto.
Ngayog may nagbabantang panganib sa Pilipinas sanhi ng pambu-bully ng China sa atin, unang nagpahayag ng suporta sa atin ang Japan. Nagpahayag din ng suporta ang US at European Union. Pero sana, hindi na ito umabot pa sa isa na namang dignaam. NLVN