(Aprub kay Duterte) BAGONG POSISYON PARA SA MGA GURO

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na lumilikha ng mga bagong posisyon para sa mga guro, isang hakbang na ikinalugod ng Department of Education (DepEd).

Nilikha ng EO no. 174 ang mga posisyon para sa Teacher IV, Teacher V, Teacher VI, Teacher VII at master teacher v gayundin ang pagtaas sa mga sahod ng mga guro.

Palalakasin din nito ang professional development at career advancement sa mga public school teacher.

Ayon sa DepEd, makikipag-ugnayan sila sa Civil Service Commission (CSC), Deparmtment of Budget and Management (DBM) at sa Professional Regulation Commission (PRC) para sa paggawa ng mga pamantayan ng executive order.

Agad namang ipatutupad ang naturang order pagkatapos mailathala sa official gazette at newspapers.

Naunang sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na may ilang educators ang napako na sa Teacher III level dahil ang susunod na posisyon, ang Master Teacher I, ay nangangailangan ng mataas na educational requirements.

Sa kasalukuyang setup, ang Teacher I ay tumatanggap ng Salary Grade 11; Teacher II, Salary Grade 12; at Teacher III, Salary Grade 13.