(Aprub kay Duterte) MABIGAT NA PARUSA SA INVESTMENT FRAUD

NILAGDAAN ni Presidente Rodrigo Duterte bilang isang batas ang isang measure na nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga indibidwal na mapatutunayang guilty sa investment fraud.

Ang bagong parusa ay nasa ilalim ng  Republic Act No. 11765, o ang Financial Products and Services Consumer Protection Act, na nagde-define sa investment fraud bilang anumang url ng “deceptive solicitation of investments” mula sa publiko.

Sa ilalim ng batas na nilagdaan ng Pangulo noong Mayo 6, saklaw ng investment fraud ang Ponzi schemes at iba pang schemes na nangangako o nag-aalok ng tubo o returns na magmumula sa investments o contributions na ginawa mismo ng mga investor.

Sakop din ng batas ang boiler room operations at offering/selling ng investment schemes sa publiko na walang pahintulot mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

“Financial product or service, on the other hand, refers to products or services which developed or marketed by a financial service provider which may include — but are not limited to — savings, deposits, credit, insurance, pre-need and health maintenance organization products, securities, investments, payments, remittances and other similar products and services,” ayon sa batas.

Kinabibilangan din ito ng digital financial products o services na nauukol sa broad range ng financial services na na-access at na-deliver sa pamamagitan ng digital channels.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mapatutunayang gumawa ng investment fraud ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo ng mula isa hanggang limang taon o pagmumulta ng P50,000 hanggang P2 million or pareho.

Sakaling ang gumawa ng paglabag ay isang korporasyon o juridical entity, ang directors, officers, employees, o iba pang officers na direktang responsable, ang mga nabanggit ay mahaharap sa kaparehong parusa.

Itinatakda rin ng bagong batas na, “administrative sanctions of the respective charters of the financial regulators will be made applicable to a financial service provider, its directors, trustees, officers, employees  or agents for violation  of the law or any related rules, regulations, orders or instructions of financial regulators; or to any persons found administratively liable for investment fraud on top of the SEC fine worth P50,000 to P10 million for each instance of investment fraud and without prejudice to the enforcement of other laws and criminal sanctions.”