INAPRUBAHAN ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtataas sa gratuity pay para sa Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa pamahalaan sa P7,000.
Sa 4-pahinang Administrative Order 28 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, sinabi ni Pangulong Marcos na ang JO at COS employees na nakapagserbisyo ng hindi bababa sa apat na buwan hanggang December 15 ay tatanggap ng gratuity pay na mula PP5,000 hanggang P7,000.
“Granting a year-end gratuity pay to COS and JO workers is a well-deserved recognition of their hard work and valuable participation in the implementation of various PAPs of the government, and their pivotal role in the delivery of government services amidst the present socio-economic challenges,” sabi ni Presidente Marcos.
Ang PAPs ay mga programa, aktibidad at proyekto.
“Workers whose contracts remain effective as of the same date are also eligible to receive the gratuity pay,” ayon sa Palasyo.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang huling pagtaas sa gratuity pay ay noon pang 2021, mula P3,000 sa P5,000.
“Employees who rendered less than four months of satisfactory service as of December 15 may still receive the FY 2024 Gratuity Pay on a pro-rata basis.”
“COS/JO workers with three months, but less than four months of service may receive gratuity pay not exceeding PhP6,000 while those with two months, but less than three months of service may receive gratuity pay not exceeding PhP5,000,” ayon pa sa Palasyo.
Ang mga empleyado na mababa sa dalawang buwan ang serbisyo ay tatanggap ng gratuity na hindi lalagpas sa P4,000.
Epektibo ang AO 28 matapos itong malathala sa Official Gazette, o sa isang pahayagan na may general circulation.