APRUB na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang draft “master plan” na magbibigay ng pinagsama-samang approach sa paglutas sa krisis sa tubig na nararanasan ngayon ng publiko.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang planong ito ay nakapaloob sa executive order na nangangailangan ng masusing pag-aaral para sa concession agreements sa ibang water distributors.
“This is the fastest way that we could resolve all our water resource issue and concerns,” pahayag ni Nograles.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na muling pag-aralan lahat ng mga kontrata sa mga pribadong korporasyon at ibang bansa.
Tinutugunan din sa master plan ang mga problema sa sewerage at sanitation, irigasyon, pagbaha, watershed management, pondo at pagbuo ng mga panuntunan.
Sinabi ni Nograles na dumadaan na lamang aniya sa fine tuning ang EO bago lagdaan ng Pangulo.
690862 899244Oh my goodness! an incredible write-up dude. Thank you Even so My business is experiencing dilemma with ur rss . Dont know why Unable to subscribe to it. Can there be anyone obtaining identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 143354