(Aprub na ng DBM) P69-M PONDO SA NAT’L LIVESTOCK PROGRAM

APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit P69-M pondo para sa National Livestock Program ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ito’y upang suportahan ang Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project na naglalayong palakihin ang Production Support Services (PSS) ng nabanggit na programa.

Ang Protein-Enriched Copra Meal ay ginagamit bilang feed ingredient na maaaring palitan ng imported soybean na makatutulong para sa mga nag-aalaga ng baboy at manok.

Nabatid na hangarin ng administrasyong Marcos na tulungan ang agriculture sector sa kanilang produksiyon upang mapanatili ang mga presyo nito. DWIZ882