INAPRUBAHAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang aplikasyon ng halos 400,000 tourism sector workers para sa one-time P5,000 cash aid sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) nito.
Ayon sa DOLE, hanggang noong Abril 11, ang mga benepisyaryo ng CAMP ay kinabibilangan ng 370,434 workers mula sa 14,301 tourism establishments, organizations, at associations sa buong bansa at 13,123 workers na nag-apply ‘individually’.
Sa naturang cash aid, P1.2 billion ang naipadala na sa payment centers habang ang nalalabing P719.2 million ay hinihintay na maipamahagi.
Nanawagan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga manggagawa ng tourism sector na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, lalo na yaong mga naapektuhan ng enhanced community quarantine sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na mag-apply para sa financial aid na magkasamang ipinagkakaloob ng DOLE at ng Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, sa unang linggo pa lamang ng pagpapatupad ng ECQ ay nasa 8,000 tourism sector workers na ang nabigyan ng ayuda.
Sa NCR, kabilang sa mga benepisyaryo ang mga manggagawa mula sa Philippine Association for Licensed Massage Therapists Inc., World Photo Journeys Travel and Tours, 1 Aviation Ground Handling Services Corporation, Hotel Kimberly Manila, Okada Manila Hotel, Great Sights Travel and Tours Corporation, Hop Inn Ermita, Link-World Travel and Tours, Canadian Travel and Tour Corporation, at PLDOZE Travel and Tours.
Ang mga benepisyaryo naman sa Central Luzon ay kinabibilangan ng mga manggagawa mula sa Baliuag Buntal Handicrafts Manufacturing, Hilot Kamay One Guiguinteño, San Francisco TODA, Sta. Ana Bulakan TODA, Sto. Rosario Tibig TODA, Zesto Tricycle Operations and Drivers Association Inc., Triple Junction Subdivision TODA, Marilao Poblacion 2 Tricycle Operators and Drivers Association, at Gitda-08 Daungan TODA.
Samantala, ang mga benepisyaryo sa CALABARZON ay kinabibilangan ng Bag of Beans Café and Restaurant, Inc.; Lantic Carmona Estates, Cedar, Manila Jockey TODA; Public Utility Jeepney Association of Carmona, Inc.; Maduya-PNCC-Golden Mile Tricycle Operators and Drivers Association Inc.; Carmona Public Market Calabuso TODA, Tour Guide and Recreation Association, Inc.; Samahang Nagkakaisa para sa Kaunlaran ng Myseoul Tiangge; Samahan ng Manininda, Mananahi at mga Tauhan sa Bagpi Tay-tay; Taytay’s Fashion Group; Antipolo Group Inc.; United Boatmen Association; Maria Makiling Frontliners Association Inc.; Costales Nature Farms, Inc.; Bukal Local Guide Association at Lumban Embroidery Association Multipurpose Cooperative.
Tiniyak ng kalihim na patuloy ang pagtulong ng DOLE at DOT sa mga manggagawa sa tourism sektor
“We will never falter despite the increasing odds brought about by this pandemic. In the coming months, as we start to put the economy on its track, we hope that our tourism stakeholders will get back on their feet stronger than before,” ani Bello
Para mag-aplay ng assistance, ang establishments/associations/organizations/individuals ay maaaring mag-sumite ng documentary requirements sa DOT regional office para sa initial evaluation.
Matapos maberipika kung kumpleto na, ipasusumite ito ng DOT Regional Office sa mga aplikante sa https://reports.dole.gov.ph/. LIZA SORIANO
700487 391933Awesome write-up , Im going to spend a lot more time researching this topic 595896
686099 26076This internet site can be a walk-by way of for all with the data you needed about this and didnt know who to ask. Glimpse here, and also you will certainly uncover it. 15