(Aprub na sa DTI) TAAS-PRESYO SA BASIC GOODS

Ramon Lopez

APRUBADO na sa Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga manufacturer na taas-presyo sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hanggang 7 porsiyento ang inaprubahang price increase na katumbas ng hanggang P1.

Ang mga apektado ng price hike ay ang kape na may 3 porsiyentong pagtaas o P0.15 kada pack; gatas, 1 porsiyento o P0.50 kada pack; instant noodles, 3 hanggang 4 porsiyento o P0.25 hanggang P0.40 kada pack; sardinas,  3 porsiyento o P0.50 hanggang P0.75 kada lata; at canned meat, 4 hanggang 7 porsiyento o P0.75 hanggang P1 kada lata.

Paliwanag ni Lopez, pinayagan ng DTI ang price increase dahil tumaas ang presyo ng raw materials, bukod pa sa dalawang taon na ring walang paggalaw sa presyo ng naturang mga produkto.

Nanawagan naman ang grupong Laban Konsyumer sa mga may-ari ng mga supermarket na huwag munang ipatupad ang price hikepara maprotektahan ang mga mamimili sa dagdag-gastos.

Pero ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua, hindi nila mapipigilan ang taas-presyo dahil mga manufacturer ang nagpapatupad nito.

6 thoughts on “(Aprub na sa DTI) TAAS-PRESYO SA BASIC GOODS”

  1. 984402 696850Informative Site Hello guys here are some links that contains information that you may find valuable yourselves. Its Worth Checking out. 15132

Comments are closed.